take a look...
nagmoment na naman sijheid noong 08:52 PM ng February 8, 2008 as a stickied post.
new site..www.jhelle.vox.com
nagmoment na naman sijheid noong 08:52 PM ng February 8, 2008 as a stickied post.
nagmoment na naman sijheid noong 12:55 AM ng October 15, 2007 as a stickied post.
nagmoment na naman sijheid noong 03:28 PM ng May 2, 2007.
nagmoment na naman sijheid noong 03:47 PM ng April 10, 2007.
February 8th, 2008
take a look...
www.jhelle.vox.com
October 15th, 2007
half empty half fool
There were times when i get so confused about matters of the heart, about dealing with pains, about coping with my predicamnets. but at the end of the day, it iswhat my heart dictates that is being followed. iIs it just about being real, or is it being dense?
I have loved and hurt twice as much. But why do i get so irrational and so illogical when all i do is to express what makes my heart throb like there's no tomorrow, what makes my kness shake whenever that mere facade is on my sight, makes my smile seem unendless, what keeps me awake in the middle of the night reminiscing those sweet nothings? after getting rid of all these in my nerves, i found the answer...
When all you do is to let your heart be under his`spell, you think of nothing but H-I-M; you do things as what he pleases, just what makes him happy and not what makes you BOTH satisfied; you work things out only as what he thinks as right - noQUESTIONSasked! - ;you may regard things to the extent of what's only good for him and not what's best for the two of you; you always see things at their good side,not actually being optimistic but being too hopefull for nothing...absurd,weird. No,stupid!
you may start well, concealing each other's shortcomings and at the most, getting blinded by love (worst if its only lust! haha), not just merely accepting or understanding each one's idiosyncrasies. in the long run, you'll both discover that you cannot coerce love, even friendship aflter your conflict. You may sincerely care ,but not truly love someone. You may be true to yourself and your feelings, but cannot be true to him/her. What more can you ask? Being repeatedly hurt by the same mistake, by the same lie? What's worse is, getting the blame for loving him that much or should i say, for being too vulnerable to under his spell. Love is not what is always seems to be. even love, which we first thought that will fill in the void, will create its own nullity.
What a relief to bring back my own sanity...It's true that you could see the whole picture or scenario when you get out of it, when you are not there anymore. But many times i ask myself, is it worth giving up? They say,being betrayed once is enough, twice is too much.. when it reaches the nth time? Hell yeah! I would really give up!
People learn to outgrow each other..outgrowing too their love for one another. When two people drift apart, there's this hope that things might still be settled and they might still work it out. But we do change, we may vow after every breakups and goodbyes that things would still be the same but we cannot deny the fact that everything wont stay as it is. It may bethe hardest part, but learn to accept it like acknowledging the sun as the center of the universe...hahaha!
----to be continued-----
May 2nd, 2007
CONFESSIONS OF A CHU-CHU
Kung meron sigurong pinakamalas sa mundo, ako na ‘yon. Nung magsimula ang semester na yun, inakala kong magiging exciting kasi arrange ang class based on ‘performance’. Hindi ko naman inexcpect na mapunta ako sa cream section eh. Hindi ko hiniling yun. Nung una pa lang naman hindi na ako ‘grade conscious’ kung baga. Basta pumasa ok na. Nagbabasa lang ako ng lessons pag may topak ako. Gumagawa ako ng assignments pero kalahati lang ng required. Basta, ordinaryong estudyante – TAMAD!
Nung mga unang linggo masaya naman sa klase. Halos matatanda na at may asawa at propesyonal ang mga kakase ko, samantalang isang labingsyam na ‘tamaraytis’ lang ako. Natural, kung sa utak rin lang, at experience…talo ako. Pero wala sa’kin yun. Lumipas ang prelims at pasado ako…hanggang sa isang araw, sinabi ng instructor ko na mapapalitan na sya.
Natuwa kami, oo. Kasi ayaw namin ng paraan ng pagtuturo nya. Nakakaantok sya. Kasi kapag minsan hindi namin maintindihan mga sinasabi nya. Naalala ko nga, minsan akong umiyak sa klase nang pumasok ako ng late. Bulong-bulungan kasi na ako daw ang nag-text sa kanya at nagpaalam na magrereview ng ibang subject. Tinanong ko ang mga kaklase ko kung ‘jade’ nga ba ang narinig nilang pangalang sinabi nya. Mga apat ata o lima ang tinanong ko…’jade’ ang narining na sinabi nya. Ako kasi yung tipong iyakin talaga.lalo na’t napagbbintangan na may ginawang kabulastugan…kasi hindi ako yung tipong gumagawa ng ganun. Takot natakot nga akong magsinungaling lalo na sa parents ko. Ganun pa kaya! Ayun, umiyak talaga ko…at ang pagkakadescribe pa nga sa pagiyak ko ng mga kaklase ko eh parang batang inagawan ng kendi. Cute naman daw.pero nakakahiya! Nakita ni mam na umiiyak ako tapos tinanong kung bakit. Nabanggit ko yung ‘bintang’. Sabi nya “hindi…ang sabi ko JAY hindi JADE!” Hala, sorry…” kitams…
Isang araw pumasok nalang sa aming silid ang kagalang-galang na instructor. Takot kami sa kanya. Kasi balita na maraming bumabagsak sa kanyang mga estudyante dahil sa mga kwiz na binibigay nya bago magturo sa bawat araw. Whew! Kawawa naman ang mga tamad na tulad ko diba. Kaya ayun, nung ikalawang araw nya para magturo, nagpre-kwiz kami. Pasado naman..buti na lang! Sumunod ang mga araw, linggo, hanggang sa mapansin naming hindi na sya nagtuturo sa klase..puro kwentuhan na lang. Natuwa kami syempre.sinu ba naman ang may gustong mahirapan sa mga pre-kwiz nya noh! Lalo na sa akin na tamad, sino ba naman ang gustong magbasa ng makakapal na libro tungkol sa pagbubuntis at panganganak gabi-gabi. ( kung paggawa na lamang ng bata ang pagusapan…mas ok!) nagkaroon pa ng kasunduang ipapasa kami o papasa kami sigurado na yun. Kahit bagsak pa ang mga exams. Ang saya diba! Pumapasok kami kahit anung oras namin gusto. Pwedeng lulmabas at kumain sa oras ng klase nya. At may binigay pa syang mga kopya ng mga tanong na ibibigay nya bilang exam namin. Ang galing…ayos talaga! Hanggang dumating ang araw na nabalitaan namin na mapapalitan sya. “huh? Nanaman?” para namang damit kung palitan ang mga instructor samin. Pero nagtataka kami kung bakit sya papalitan. Syempre ayaw namin. Lalong ayaw nun mga bagsak nung prelims! ‘eh hung-hang lang talaga ang may gustong mawala sya nyo at mapalitan…sarap ng buhay namin sa kanya. Tska ang bait nya sa ‘min talaga. Nililibre nya pa kami. Sow-syal!
Isa pala akong manunulat sa skul paper. Di naman ako magaling magsulat eh. Mahilig lang talaga…pinagtyatyagaan ang ako dun! May ginagawa kasi akong article na kailangan ng opinyon ng mga instructor. Kaya nung pagkatapos ng duty ko pinuntahan ko sya para hingan ngopinyon. Tapos ayun, tinanong ko na rin kung totoo bang mapapalitan na sya.sabi naman nya nakausap na sya ng admin. Overload daw kasi ng tinuturo…ek-ek…basta mga ganung problema. Sabi ko naman na ipaglalaban namin sya. Kasi ako, kahit ako ayoko syang mapalitan..
Lumipas ang isang linggo nang yung isang instructor naman ang hiningan ko ng tulong para sa article ko, sinabi nya na sya na daw ang papalit sa klaseng yun. Nagulat ako syempre. Tinanong nya ko tungko sa pagtuturo nung instructor. Sinabi kong totoo. Sabi ko ayoko ng makarating sa admin yun kasi wala naman talaga akong balak paalisin sya. Pero naisip ko…hanggang kelan magiging ganun, napakadali ng buhay namin. Na kung iisipin ay isang major subj ang klaseng iyon. Buhay ang pinag-aaralan…dapat bang basta-basta na lang ganun na pasado kami ng walang alam? Sinabi ko lahat ng totoo ng walang pag-aalinlangan. Mabuti sya sa amin, hindi ko pinersonal ang pagsasabi ng totoo. Mabait sya, isang bagay yun pero yung responsibilidad nya bilang isang guro…ibang usapan na yun.
Dumating ang araw na nalaman ng mga kaklase ko ang pagsasabi ko ng totoo sa isang instructor. Pagpasok ko sa silid na iyon, katahimikan ang sumalubong sa ‘kin. Pero mga matang mapanuri ang nasa buong paligid. Nagmamasid kung ano ang gagawin ko, sinusundan ang bawat galaw ng katawan ko. Hanggang sa marinig ko na ang mga pasaring ng matatandang kaklase ko…”traydor! Chu-chu…traydor!” tahimik lang ako. Yung mga kaibigan ko nasa tabi ko lang. Alam kong kung anu man ang mangyaring di maganda maya-maya, sila ang magiging karamay ko. Dumating na rin ang instructor na ‘yun. Alam kong sa pag-ikot ng kanyan paningin sa buong silid, ang hinanap nya lamang ang ‘taksil’…ang maitim na tupa. Binubulungan lang ako ng mga kaibigan ko na ihayag ang nararamdaman ko sa klase. Na ipaliwanag ko ang nangyari. Dahil sa totoo lang, wala silang alam…wala. Tanging konklusyon mula sa malikot nilang imahinasyon ang nakapagbuo ng mga kwento tungkol sa pagkakabunyag ng sikreto ng klase… wala silang ideya sa apat na sulok ng pangyayari…kaya wala silang karapatang pagsalitaan ako ng ganun. Sa apat na oras na pamamalagi namin sa silid na iyon, tanging ang lamig ng aircon ang nakapagpalubag sa mga nag-iinit na ulo ng mga matatandang kaklase ko. Mga matatalim na tingin ay pilit kong hinarap ng buong tapang, na ang iyaking tulad ko…himalang kinimkim ang sakit ng mga sugat na buhat sa mga salitang binitawan nila ng mga oras na iyon. Pinapasaringan at pinapahiya na ako ng isang guro, kasabay ang pagkampi ng mga kaklase ko…ang lakas din ng loob kong kayanin ang lahat ng iyon. Nakikiramdam lang sila kung kelan ako iiyak, kung kelan ako lalabas sa silid na iyon, ngunit wala silang nahintay. Hanggang sa marinig ko mula sa instructor na iyon ang “ you know my number, just text me. Apologize and I will forget everything like nothing has happened.”
Why the hell would I do that if I know I didn’t do anything wrong! I repeat, his good relationship among us, students is one thing. But his work and his responsibilities as an educator is another thing.
Ni minsan hindi ko naisip na ang kagalang-galang na itsurang iyon ay pepersonalin ang lahat. NAGKAMALI AKO SA AKING AKALA. Lumipas ang ilang araw at nadagdagan ang mga mapanuring mata. Umabot sa ibang klaseng tinuturuan din nya. Hanggang sa fourth year. Sikat na ako. Pinasikat nya ako sa paghuhugas nya ng kamay. Wala akong magawa kundi manahimik na lamang. At tanggapin ang nangyari. Pagpapakabayani bang maituturing ang pagsusugal ng dignidad, respeto, at karakter sa mata ng nakararami ang pagsasabi ng totoo. Hindi rin naman ako nagsisisi na sana nanahimik na lamang ako. Hinding hindi. Sirang-sira man ang pagkatao ko sa bawat estudyanteng nagpadala sa mga matatamis na pangako nya, heto pa rin naman ako. BUO ANG PAGKATAO, DAHIL PINAKITA KO ANG TUNAY NA ETHICS AT PROPESYONALISMO.
Nagdusa ako sa mga bulung-bulungan twing papasok ako sa eskwelahan. Bawat tingin ng mga estudyanteng nakakaalam ng wala pa sa isang porsyento ng kung ano ang tunay. May iilan man na naniniwala sa tama, masaya na ako doon.
Hindi ko rin lubos maisip na pati ang pagkakasakit ko ay gagawan nila ng ibang kwento at pagdududahan nila. Minsan kasing pumasok akoay masama na ang aking pakiramdam. Mga heart problems ako kaya iregular na talaga ang pintig ng aking puso. Noong araw na iyon ay hindi ko na kinaya ang puyat at pagod sa duty kaya nahirapan akong huminga at nahilo. Dinala ako sa klinika upang I-nebulize pero hindi pa rin naging maayos ang aking pakiramdam. Pinilit kong pumasok sa isang subject dahil may pasusulit sa araw na iyon. Ilang segundo bago pumasok ang aking instructor ay nanikip na ang aking dibdib. Tinutulungan na ako ng aking mga kaibigan at napansin na rin ng aking instructor kaya pinadala na ako sa ospital. Hindi ako pumayag na manalagi doon sa ospital ng ilang araw para makapagpahinga at maobserbahan dahil sa mga iniisip ng aking mga kaklase. Kinabukasan bumalik na lamang ako sa ospital para sa follow-up check up at laboratory exams at pagkatapos nun ay pumasok na ako sa klase ng ‘kagalang-galang’ na instructor. Iniisip nila na pag-arte lamang iyon kapalit ang exemption sa pagsusulit. Unang una, hindi ko kailangan ng ganun dahil kahit hindi ako mag-review, pumapasa ako. At pangalawa, wala akong pakealam kung anung marka man ang makuha ko basta pasado lang. Sa aming barkada kasi, ako lang ang pinalad na pumasa sa isang subject na hirap na hirap ang lahat.. kaya yun naisip nila na ibinunyag ko ang sikreto para lang pumasa. Eh kahit compute man nila ang mga pagsusulit ko, wala silang makikitang anomalya. Kinimkim ko lang lahat ng iyon. Tahimik lang ako. Hindi ko snabi ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pagbibintang ng mga bagay na hindi ko naisip gawin. Sa cr ko na nga lang iniiyak ang lahat nung araw na iyon.
Lumipas ilang linggo at may isang barkada ng second coursers ang nagpunta sa dean at inereklamo ang ‘kagalang-galang’ sa kanyang pagkukulang bilang isang guro. Sumunod ako para suportahan sila. Pero huli na rin kasi tapos na silang makipag-usap nang dumating ako.
Lumipas ang isang buwan at nabalita na kakasuhan daw nya ng libel ang mga nagreklamo kay dean. Kaso? Libel? Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na aabot sa ganon ang lahat….tao din ako, marupok. Nawawalan ng tapang. Pero pinayuhan ako ng mga kaibigan ko na maging matatag dahil naninindak lang sya.
Nang minsang magpatawag ng pulong sa school organ, nabigla na lamang ako, na ako pala ang magiging paksa sa araw na iyon. Sa gulong pinasukan ko daw ay nadadamay ang pangalan ng organisasyon. Dahil daw iniisip na ‘reliable’ ako dahil isa ako manunulat. Napag-usapan din ang hindi ko pagpunta sa mga seminar, na ang totoo naman ay nagpaalam ako dahil may praktis kami sa Capping Ceremony at isa ako sa mga magsasalita sa harap tungkol sa mga simbolo sa seremonyang iyon. Pinag-usapan din ang aking ugali na hindi nagustuhan. Lahat na ng pwedeng ‘grounds’ para matanggal ako sa organisasyon.; doon ako naiyak ng sobra. Inakalang kong tama lamang ang ginawa ko dahil kami ang nagsisilbing boses upang ilantad ang bulok na sistema na umiiral sa eskwelahan iyon pero ang nais ng mga kasamahan ko ay sana tumahimik na laman daw ako. Mahal ko ang trabahong iyon, ngunit kung ang mga kasama ko mismo ang may ayaw sa akin o sa ginawa ko ay wala akong magagawa. Sinabiha naman ako ng adviser ng organisasyon na wag daw ako umalis. Alam kong alam nya na tama ang ginawa ko. Pero paano naman ang mga kasama ko? Kahit nagtapos na sila noong abril ay wala rin naman na silang tiwala sa akin at ipagkatiwala ang responsibilidad ng organisasyon.
Hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ako ba’y aalis doon o hindi. Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang sakit ng mga salitang binitawan ng mga humusga sa aking pagkatao…ipinagdarasal ko na lamang sila.
April 10th, 2007
remorse
But then, we don’t force love (forcing love is a desperate move anyways…) to come into our lives for love comes freely and chooses noone. One day, you might just wake up falling for the person you least expected. Yes, we can’t force it on anyone and it comes when we least expect it, but then again, one can avoid it especially when CIRCUMSTANCES TELL YOU IT’S NOT FOR YOU..it may hurt for a while, but when it has to stop – it has to.
Yes, those circumstances tell you it’s not for you…but is it fair enough not to tel the other the things that might not work for the both of them? “Knowing is better than wandering,waking is better than sleeping, and even the biggest failure, even the worse beat the hel out of never trying. Whoever said that ‘what you don’t know can’t hurt you’ was a complete and total moron, because for most people I know, not knowing is the worst feeling in the world.”
I don’t know know why I have to hang on to something I know I’m better off letting go…am I just scared to lose what I really don’t have?
I have loved and hurt twice as much. Half my life I looked for someone who would fill a void in me. But I realized love would not always do that…’cuz even the love will create the void.
Life is indeed a cycle of loving and hurting. I’ll fall for someone, and after some time get sulk in my own created hurt. Here I am, loving again…but because of UNAVOIDABLE CIRCUMSTANCES I got hurt again. Funny ‘cuz love has complicated human existence. Yet despite that, it is the same thing that serves as the antidote to the complexities it brings…
I was crying the whole day…I know things will never be the same again. I just have to let him free and away from me…but that’s what hurts most.
Holding on for still something that I can’t grip? Is it worth holding on? Is it worth fighting for the so-called love when the other has already given up? Walang naumpisahan, kaya walang dapat tapusin… I am so damn stupid – hoding on for nothing.
People leave. I guess that’s about the sum of it. you can never love them enough. They just break loose. They take off…
…maybe cupid should shoot himself with his own damn arrow. Just so he can see how much love hurts and how hard it is.
I wanted to punish myself, feeling more than what I can’t already contain. I got drunk – well at least there’s this temporary escape from my pains. But in the morning, while in duty, I felt the hang over, the headache…more than the emotional pain which never left me… I was and still I am with it, recounting every detail of it.
~~~ I’ve written this a month ago… I still feel the same. The pain, the love.. when will it stop? When will I make it stop?
“I learned to love someone with all of my life… but there came a point when I got tired, not of loving but of sacrificing al that I have.. then a thought came to my mind: I have given everything but have received nothing but pain and tears in return..is this enough to prove that I really love that person? Or is it a sign telling me to stop sacrificing and learn to love myself a little more?”
my effigy shines but my demeanor has lost its glow..
i am strong yet i feel so weak..
i feel so weak but i can't cry..
i smile but inside i bleed..